High School Life

Repablikan

Intro La lala lala la lala lala la lala la la la La lala lala la lala lala la lala lala la Verso 1: High school ko Ay puno ng alaala Na hindi malilimutan Lalo na ng makilala Ang babaeng Nagbigay sakin ng inspirasyon Na gumawa ng homework ,At makinig sa leksyon Kaya nag-aral ng mabuti Para sa'king future life At lalong lalo na Para sa aking future wife At kapag break time Lagi tayong magkasabay Kinikilig ako Pag hawak ko ang iyong kamay Habang tayo ay naglalakad Pag tayo'y pauwi Lalo akong tinatamaan Pag ika'y ngumingiti Ang lahat ng pighati Ikaw ang nagtatanggal Dahil sa iyo Kaya pasado sa periodical Buhay ko ay nag-iba Binigyan mo ng sigla Tumaas na din ang grades ko Sa matematika Ikaw lang ang dahilan Para to sayo mahal Inaalay ko sayo, Ang natanggap kong medal High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama Verso 2: Buhay ko ay nag-iba Buhay ko ay gumanda At maraming bumilib At maraming nagtaka Ganito pala ang feeling Pag ikaw ay nagmahal Araw-araw at gabi gabi akong nagdarasal Na sana'y ikaw na nga Ang inilaan sa akin Makasama ko sa buhay Upang aking mahalin Nang ako ay iyong sagutin Muntikan na kong ma-drop Pero dahil sa iyo Naabot ko pa ang ulap Ngunit ang kapalit Bakit ka biglang nagbago Lagi kang tulala At parang lagi kang kabado Hindi ka pumapasok San ka nagpupunta Bumababa na ang mga grado mo Ano ba ang problema? Nang kausapin ka Bigla kang napaiyak Mabigat ang iyong dala-dala Yan ang natiyak Nang ikaw ay tinanong Hindi mo ko sinagot Tumakbo ka paalis Na para bang ika'y takot na takot, Baket? High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama Verso 3: Tandang-tanda ko pa Lunes ng umaga nun Bakit ang daming pulis Ano bang meron ngayon? Narinig ko ang usapan Na mayron daw trahedya 4th year student Ang nakita sa kubeta At nang inilabas Labis kong ikinagulat Pagkat ikaw ang biktimang Kanilang buhat-buhat Ikaw ay nagtapat Sa sulat mo sa dingding Ikaw ay ginagahasa Ng iyong amain Ang mga pangarap ko Ay para bang nawala Gusto kong sumigaw Gusto kong magwala Hindi makapaniwala Hindi to totoo Hindi na ba kita makakasama sa kolehiyo Ba't ngayon mo lang sinabi Di mo pinaalam Puso ko'y nagdurugo Puso ko'y nagdaramdam Matatapos na ako ngayon Sa kolehiyo Na dala ang alaala Nung high school ako High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala High school days, Oh my high school days Na ikaw lang ang kasama End High school life, Oh my high school life Akin pang naaalala Lalo nung graduation na Napaluha akong talaga

Watch the song video
Top songs from Repablikan
Playground Sessions Course Banner
Did you ever dreamed on playing piano?

Playground Sessions is a revolutionary new way to learn music and play the piano. No more boring courses. The adaptive videos automatically adjust to your skill level. Plus, you’ll receive regular feedback on your progress each week, plus a personal training plan from a professional piano teacher.

Start to play the piano instantly - and have fun doing it!